Hector P. Lumandaz Jr.: Born to Paint

"Naiba man ang inyong kurso dahil sa kahirapan, wag na wag n'yong kalilimutan ang inyong unang pagibig."

(Artist | Preacher | Aurora, Isabela | 37yo)

Happiness is a Cup of Coffee. Oil on canvas. 22.5×23 inches. 2021

The only thing he ever wanted is to be a painter. Starting when he was very young.  But life made it hard for him to pursue his dream. Hector Lumandaz Jr. shares with FIlipino TV how he wrestled with life to push his way back to his real calling. He’s still struggling now, but he’s finally a painter, doing what he was born to do. 

A Childhood Dream

“Bata pa lang po ako ma’am, mahilig na akong mag drawing. Naalala ko nung Grade 4 ako, unang sabak ko ng poster making, nanalo ako gamit lang ang crayola. Bagamat nanalo ako, naawa ako sa sarili ko dahil ang mga kalaban ko, naka oil pastel. Mahirap lang po kasi kami. Hindi ko pa alam noon ang pangalan. Sabi ko gusto kong makagamit nun. Mula noon, sunod sunod na ang panalo ko, at sa murang edad na yun, sabi ko magiging artist ako. Napagaralan na rin namin kasi sila Juan Luna, Francisco at iba pang mga local na artists na nasa libro. Pag tungtong ko ng high school, hindi nabago ang hilig ko. May mga  nagsabi sa akin na fine arts ang kunin ko.”

“Nung Grade 4 ako… bagamat nanalo ako [sa poster making], naawa ako sa sarili ko dahil ang mga kalaban ko, naka oil pastel, ako crayola. Mahirap lang po kasi kami. Hindi ko pa alam noon ang pangalan. Sabi ko gusto kong makagamit nun. “

Kalye Maagap. Oil on museum wrapped canvas. 18×24 inches. 2022

“Nagrebelde ako sa mga magulang ko, lagi akong umiinom hanggang sa muntikan na akong mamatay sa labis na kalasingan”

“Lagi kong sinasabi yan sa parents ko. sabi naman nila, oo. Hanggang patapos na sa highschool, hanggang oo lang ang sagot. Yun pala pakukuhanin lang ako ng Education. Natakot po ang mga magulang ko sa mga sinasabi nila na mahal daw magpa-aral ng ganun. Inaway ko sila noong gabi ng graduation. Lumayas po ako.  Mga one week, Nalaman na nasa bahay ng kaibigan ko ako. Ayon, PNU Isabela ang bagsak ko. Teacher. Hindi po talaga sumagi sa isip ko na maging teacher. pero dahil ayaw ko mabakante, nag-enroll lang ako. Dalawang taon ko sa PNU, hindi ako masaya except sa choir at school publication. Naging cartoonist ako. Duon ako naexpose sa lawak ng arts. Daming pwedeng gawin. pero sa first two years na yun, dahil nagrerebelde ako sa mga magulang ko, lagi akong umiinom hanggang sa muntikan na akong mamatay sa labis na kalasingan. Inatake ako ng asthma. pag gising ko, sabi ko sa sarili ko, kailangan kong magbago. Nag-enroll po ako sa Bible school kahit ayaw ng mga parents ko. By that time dalawang taon year lang ang natapos ko sa PNU. Nawala ang passion ko. Hindi na kagaya ng dati na sobrang parang arts lagi nasa isip ko. To cut the long story, natapos ako sa bible school. Bumalik di ako sa PNU at tinapos ang bachelor’s degree. Pero hindi ako nagturo dahil hindi ko talaga pangarap yun. Nag-apply ako bilang pastor sa iba’t ibang kongregasyon ng aming church at nakuha naman. Hanggang sa nagdecide kami ni misis na mag settle na dito sa amin dito sa Isabela.”

Mother and Child. Oil on canvas. 16×20 inches. 2021

Life In Isabela As A Pastor

Mahirap po ma’am dahil parang volunteer lang ako dito sa home congregation namin. Walang sweldo. May ibinibigay pero Php2,000 lang a month. Sobrang hirap namin noon ma’am. Hindi ko alam paano ko buhayin pamilya ko. Sabi ko, bakit hindi ako bumalik sa talagang hilig ko? Pero takot po ako ma’am. Kasi wala akong alam sa mga gamit sa painting. Alam ko pangalan, pero di ko alam gamitin lalo na yung oil. At may kamahalan.ang alam ko lang ay latex dahil nagmu-mural ako that time. 

Overcoming obstacles

Salamat sa internet at nalaman mga gamit. isa pa kung bakit ako takot, baka walang papansin sa gawa ko. Ang nasa isip ko kasi, mga graduate lang ng fine arts ang may karapatang magbenta ng paintings. Pero may nakikita ako sa mga art groups na sabi ko, sa tingin ko ay kaya kong gawin. Kaya bumili ako ng katya, binalot ang isang maliit na plywood na nakatambak sa bahay ng parents ko. Ipininta ko kung ano ang nasa isip ko, freestyle. Nakagawa ako ng obra. nanalangin ako at pinost ko.  May mga nag like. May mga nag-PM sa akin ng how much. Mixed emotions dahil may nagka-interest at hindi pala nila tatanungin kung saan ka nag-aral ng fine arts, anong year etc.  In short, nakabenta ako. Grabe, ang sarap sa pakiramdam. Panahon po yan ng pandemya.  Ang pandemya rin po ang nagtulak sa akin dahil walang nagsasamba, walang pera ang church wala akong maibigay sa pamilya ko.

Ipininta ko kung ano ang nasa isip ko, freestyle. Nakagawa ako ng obra. nanalangin ako at pinost ko.


Missing You. Oil on canvas. 16×20 inches
2021

“Ang nasa isip ko kasi, mga graduate lang ng fine arts ang may karapatang magbenta ng paintings. Pero may nakikita ako sa mga art groups na sabi ko, sa tingin ko ay kaya kong gawin.”

Blessing during the pandemic

Preacher pa rin po ako ngayon, pero nagpi-pinta just to support my family and ministry. Hindi pa kilala sa larangan ng painting, pero nakakatulong na rin ito sa aming pangangailangan.  Kahit papano. minsan may magpapa-commission. May bibili, minsan naman wala.  Struggling pa rin dahil lumalaki na mga bata. Meron na akong tatlong anak. Nakatira kami sa isang maliit na room, extension ng kapilya namin.  Kaya pahirapan din magpaint dahil sa kubo lang ako nagpa-paint. Pahirapan pa pag gabi dahil maraming insekto. kaya malimit sa araw lang ako nagpipinta. Ngayon pa lang po lubos na ang pasasalamat ko dahil kung sakaling mai-feature nyo ang kwento ko baka mas mai-angat ang estado ko bilang artist.

Living the dream

Ngayon, i’m living the dream.  Pero sabi ng mga kakilala ko, hindi ka naman mayaman pa’nong “you are living the dream”? Sabi ko naman, that’s not my dream. my dream is to be an artist. Laking tulong ng arts samin.  Hindi pa naman malaki kita, pero sinalba kami sa banat ng pandemya

“Ngayon, I’m living the dream.  Pero sabi ng mga kakilala ko, hindi ka naman mayaman pa’nong “you are living the dream?” Sabi ko naman, that’s not my dream. my dream is to be an artist.”


Inspector Palolos. Oil on canvas. 16×20 inches. 2021

Super Lolo. Oil on canvas . 16×20 inches. 2022
The Hunter. Oil on canvas. 16×20 inches. 2021

Q & A with the artist:

FTV: What’s your art style?

HPLJ: Realism, expressionism at impressionism. Pero minsan, pinaghahalo ko sila.

Farmer Praying for a Good Harvest. Oil on canvas. 16×20 inches. 2022

FTV: What materials do you use?

HPLJ: Acrylic and oil

Los Bigotilyos Rondalia. Acrylic on canvas. 16×20. 2022
Lola’s Lullaby. Oil on canvas. 16×20 inches. 2021

FTV: Kailan ka nagsimulang mag oil painting?

HPLJ: With Acrylic and oil, noong 2019 lang. Pero nagmu-mural na po ako since college days.

Happiness is a Cup of Coffee. Oil on museum wrapped canvas. 21×25.5 inches. 2021

FTV: Bago ang oil, ano ang gamit mo?

HPLJ: Nagsimula ako sa charcoal. Kaya drawing at painting lang talaga. Sinunod ko lang talaga ang hilig ko at ito ang gusto kong paraan para itaguyod ang pamilya ko

Mother and Child (Listening to Gabi ng Lagim). Acrylic on canvas. 16×20 inches. 2021

FTV: May iba ka bang naisip dati na propesyon?

HPLJ: Wala po kong ibang pinagpiliian. Noong highschool ako, gusto ko talagang maging pintor pero wala akong magagawa dahil hindi daw kaya ng magulang ko, kaya ang naging bagsak ko, education.

Taho Po. Oil on canvas. 12×18 inches. 2022

FTV: Ano ang nag inspire sayo maging pintor?

HPLJ: Ang pamilya ko.

FTV: Papano ka na nila na-inspire?

HPLJ: Dahil sa kahirapan din. Yun bang gusto mong maramdaman at malasap din nila ang mabuhay ng hindi nagkukulang although hindi ito ang focus namin bilang pamilya. Sabi ko sa sarili ko, itataguyod ko sila sa paraang alam ko at sa propesyong hilig at mahal ko.

Ginataang Gabi sa Gabi. Oil on canvas. 18.5×22.5 inches. 2022

FTV: Sinong tinitingala mong mga artist?

HPLJ: Sina DaVinci, MichaelAngelo, Van Gogh at syempre si Luna. Pero saludo ako sa talent ng mga Pinoy. Ang dami kong nakikita na ang huhusay.

Mother and Child. Acrylic on canvas. 16×20 inches. 2022

FTV: Anong nais mong ma achieve bilang artist?

HPLJ: Syempre makilala sa larangang ito. Yun bang kung wala ka na atleast may legacy ka at may mga bata na magsasabi na gusto kong maging katulad n’ya.

Ina: Ang Unang Guro. Oil on canvas. 16×20 inches. 2022

FTV: How do you wish your art to be perceived or viewed?

HPLJ: Masayahing tao kasi ako. Ilan sa mga obra ko ay comedy. Gusto kong matawa sila. Kahit may iba silang interpretasyon, gusto ko mapapangiti parin sila. Iba sa gawa ko ay nostalgic. Gusto ko, pag tiningnan na ang art ko, maalala nila ang isang bahagi ng kanilang nakaraan.

Hindi Pa Tuli (Huli) ang Lahat. Oil on museum wrapped canvas. 24×30 inches. 2022

FTV: How is the life of being a visual artist/ illustrator in the PH?

HPLJ: Ayos naman. Kailangan mo lang magsipag. Hindi dapat tatamad tamad. Kung may biglang idea ka, kahit gabi, bumangon ka at simulan mo.

Paghahanda. Oil on canvas. 16×20 inches. 2022

FTV: What for you is an artist?

HPLJ: An artist for me is a musician playing a rhapsody. Sometimes through his obra, he makes you sad, happy, or have mixed emotions. Sometimes it just make you smile without any big reason at all.

Everything is Possible. Oil on canvas. 16×20 inches. 2021

FTV: What for you is the essence of painting?

HPLJ: The essence of a painting for me is the invisible connection between the viewer and the painting. Yun yung hindi nakikita ng ibang tao sa painting, lalo na sa mga hindi nila maintindihan. That’s something I learned from this industry — someone will have a connection with your work, and that connection has value. Kaya bibilhin nila kahit mahal minsan.

He Ain’t Heavy, He’s My Brother. Acrylic on canvas. 16×20 inches. 2021

FTV: Message to Filipinos around the world if any?

HPLJ: To all Filipino artists around the world, patuloy lang tayo sa paglikha at pagsubok ng bagong style, medium, hanggang tayo ay makagawa naman ng isang movement na kikilalaning original natin.

Midnight Farmers. Acrylic on canvas. 16×20 inches. 2021

FTV: Anything else you want to add (could be about anything)?

HPLJ: Sa mga artist na kagaya ko na hindi nakatungtong to kolehiyo ng Fine arts: Naiba man ang inyong kurso dahil sa kahirapan, wag na wag n’yong kalilimutan ang inyong unang pagibig. Sa mga takot namang pasukin ang propesyong ito, ang masasabi ko lang ay, may buhay sa pagpipinta.

If you want to see more of Hector’s works, or would like to support his art, here’s his FB page: https://www.facebook.com/hectorjr.lumandaz

Facebook
Twitter
LinkedIn