Arieto Capacio

"Ang isang scrap or patapon na bagay ay maaring maging isang bagong obra"

(Metal and Tire artist | Malinao, Albay)

“Araw araw nadadaanan ko ang junkshop.  Basta na lang isang araw ginusto ko matutunan paano mag sculpture”

“Ang isang scrap or patapon na bagay ay maaring maging isang bagong obra

FTV:  Paano ka nagsimula sa metal sculpture?

AC:   Nagsimula po muna ako sa wire and tire, and nung may nagbigay ng welding machine sa akin, naisipan ko na magsimula nang ibang medium at mag explore ng mga obra mula sa mga patapon na, pero kaya pang pagandahin o bigyan ulit ng buhay or halaga.

FTV:  Ano trabaho mo bago ka nag simula sa metal at tire art?

AC:   Isa po akong kargador ng sako sako at drum ng chemicals sa isang kumpanya. Pagawaan po ng imported na papel

FTV:  Ilang taon ka nagtrabaho sa pagawaan ng papel bago ka nag sarili?
AC:   3years

FTV:  Bago nun? May trabaho ka pang iba?

AC:   Yes po. Sa palayan. Magsasaka po. Pati construction

FTV:  Paano mo naisip magsarili?

AC:   Araw araw po nadadaanan ko ang junkshop. Basta na lang isang araw ginusto ko matutunan paano mag sculpture

FTV:  Paano mo sinimulan?

AC:   Struggle po sa simula, at yung financial. Siguro po dahil na din sa pagiging malikhain ko at karanasan sa welding kaya nagkaroon ako ng idea sa mga obrang ginagawa ko

FTV:  Anong naiisip mo bago mo gawin ang isang proyekto? Pag nakakita ka ng scrap metal, alam mo na ba ang gusto mong gawin?

AC:    Pag nakakita ako ng imahe na kakaiba, sa likod ng itsura ng mga scrap metal at mga mga imahe na aking naiisip, tinatry ko talaga na mapalabas sa pamamagitan ng pag assemble at welding

FTV:  Anong pakiramdam habang ginagawa mo na ang mga artwork? 

AC:   Sobrang masaya at nakaka excite na tapusin.

FTV:  Anong pakiramdam naman pag natapos? 

AC:   Kapag nakukuha ko yung gusto kong imahe or disenyo, nakaka-inspire na sundan ulit ng kakaiba pang obra

FTV:  May mga Christmas decor projects ka, pano mo nakuha ang mga project na yun? 

AC:   Ang mga project na yon, pinagkatiwalaan tayo ng mga cliente para sa kanilang mga Christmas village, para mas maging “instagrammable” at maganda ang kanilang lugar.  Akin namang pinagbubuti para mas madami pa ang tumangkilik sa ating mga likha.  Isa sa mga client ko ay ang dating artista na si ma’am Aya Medel.

FTV:  Mahirap ba ang process ng paggawa ng mga Christmas installations? 

AC:   Mahirap po lalo na sa mga malalaking disenyo at kung pang outdoor ang mga ito kailangan gawin na matibay sa init at ulan.

FTV:  Ano talaga ang preference mong gawin na art style? At anong materials ang preference mo at bakit? 

AC:   More on recyclable materials po ang mga gusto ko.  Nakakatulong tayo sa environment, at higit sa lahat, kakaiba.

FTV:  May tinitingala ka bang ibang artist na naging inspirasyon mo? 

AC:   Sa ngayon po ay Amorsolo

FTV:  Mas okay ba na may ka trabaho na grupo? O mas ok mag isa? Anong kaibahan? 

AC:   Mas ok po sa akin na solo.  Pero pag may mga rush na kailangan gawin, d’yan lang papasok ang group para sa akin.

FTV:  Anong dahilan ba’t mo napili gumawa ng mga metal sculptures?

AC:   Mas marami na kasing available resources sa paligid.

FTV:  Anong pinaka gusto mo sa proseso ng paggawa ng mga metal sculpture? 

AC:   Ang  paglalagay na ng detalye at pintura.

FTV:  Anong feeling na nakakagawa ka ng artwork sa mga patapon na basura? 

AC:   Nakaka amaze din, at minsan hindi ko inaasahan na magagawa ko ang iba ng lampas sa inaasahan ko na imahe, or mas perfect pa sa reference na ginuhit ko

FTV:  Anong pinaka mahirap o challenging na aspeto ng metal sculpture na ginagawa mo? 

AC:   Ang cutting po dahil minsan nakakatakot kong matamaan ng bala.

FTV:  Gumagamit ka din ng kahoy diba? anong pang iba ibang materyales ang mga ginagamit mo at bakit nag iiba iba? 

AC:   Masasabi ko po na nag-e-explore talaga ako sa iba’t ibang medium.

FTV:  Kamusta naman ang buhay ng isang artist? 

AC:   Sobrang saya at proud ako na hindi na ako nanganga-muhan sa mga kompanya at kumikita sa malinis at gusto kong paraan.

FTV:  Kaya ba itong maging permanenteng hanap buhay?

AC:    yes po since 2019 naging hanap buhay ko na po ito at nabibigay n’ya naman yung pangangailangan namin sa pamumuhay.

FTV:  Ano ang goal mo o gusto mong marating sa iyong art?

AC:   Gusto kong maka-inspire pa ng ibang tao na mahilig din sa arts at gusto kong makilala ang upcycling arts.

FTV:  Paano nakakatulong ang art sayo? 

AC:   Financially, ok naman po and isa ito talaga sa nagpapasaya sa akin.

FTV:  Paano nakakatulong ang art sa pamilya mo? 

AC:   Nakapag pagawa po ako ng sarili kong bahay. Dahil nung 2020 niragasa kami ng bagyo.  Na washout yung kubo kubo nmin at mga gamit.  Nung gumawa ako ng mga obra at isinali ko sa exhibit, nag “sold-out” ito, at doon nagsimula na akong makaipon at makapag pagawa ng konkreto at simpleng bahay para sa pamilya ko.

FTV:  Anong gusto mong maalala ng mga tao sa iyong mga gawa? 

AC:   Gusto kong makita nila na hindi kailangang magtapos ang buhay ng isang materyal o bagay na patapon na.  Minsan mas nagiging kapakipakinabang at ”extraordinary” pa kung gagamitan lamang ng malikhaing kaisipan.

FTV:  Anong gusto mong maramdaman nila pag nakikita ang mga gawa mo? 

AC:   Gusto ko maramdaman nila yung hirap at saya na ang isang scrap or patapon na bagay ay naging isang bagong obra.

FTV:  Kung hihingan ka ng mensae para sa mga pilipino sa inat bang panig ng mundo, anong masasabi mo?

AC:   Continue supporting upcyling arts and other traditional arts of all Filipino artists 

Arieto also collaborates with other Bicolano artists. Some of their works are in his facebook page @ArietoCapacio

Facebook
Twitter
LinkedIn