(Media Ingest Operator)
“Ugaliing tumawa, ngumiti at humalakhak araw-araw.”
Full name: John Alcquel O. Santos
Age: 39
From: Angono, Rizal, Philippines
FTV: Gaano ka na katagal ka nang ingest operator?
AOS: 16 years and 2 months
FTV: Anong aspeto ng trabaho mo ang pinakagusto mo?
AOS: Yung may natutunan akong bago araw-araw at yung nagagamit ko yung talento ko.
FTV: Bakit mahalaga sa’yo ito?
AOS: Sapagkat nagbibigay ito ng positive energy sa opisina at self-fulfillment para sa akin at mas nagiimporve yung pag-iisip ko, hindi yung na-s-stuck na lang siya sa isang bagay. Mahalaga ito para maging produktibo ako araw-araw sa trabaho.
FTV: Ano ang nagiging epekto sa mga katrabaho mo ng pagiging masayahin mo? at yung maaasahan ka?
AOS: Sa pagiging masayahin, bilang nasa news environment ako, madalas may deadline, eere na, naghahabol so nandiyan yung stress, pagod, anxiety. Kaya madalas during crunch time, yun yung pinaka ice-breaker. Minsan mag jo-joke ako or mangungulit ako pero sa positibong paraan at dahil doon kahit paano napapatawa ko sila at kahit saglit nawawala stress nila, kumbaga spreading goodvibes. Sa pagiging maasahan, dapat once na pumasok ka sa isang trabaho automatic dapat maasahan ka. Kasi hindi lang sarili mo yung natutulungan mo. Pero pati yung mga kasama mo sa trabaho ay matutulungan mo. Na posibleng mahawa mo yung ibang katrabaho mo, to do the same thing. Domino effect kasi yan, para sa akin sa trabaho, mahalaga yung teamwork.
FTV: Anong prinsipyo mo sa trabaho?
AOS: Mahalin ang aking trabaho at huwag humintong matuto araw-araw.
FTV: Paano mo hinaharap ang mga stressful na sitwasyon sa trabaho at sa buhay?
AOS: Mag trabaho ng positibo, ngumiti at maging masayahin araw-araw. Iwasang magreklamo at higit sa lahat, magdasal.
FTV: Anong gusto mong matandaan ng mga tao tungkol sayo ?
AOS: Laging maasahan at mapagkakatiwalan.
FTV: Anong pinaka malaking challenge ang pinagdaanan mo sa buhay?
AOS: Ang magmula sa isang mahirap na pamilya at magsumikap makatapos ng pag-aaral at makahanap ng trabahong mamahalin ko ng matagalan.
FTV: Anong nagine epekto nu’n sayo?
AOS: Naging matatag ako sa mga pagsubok mapa aspetong kumpanya or pamilya. Mas lalo akong naging matiyaga at lalong nagsumikap sa buhay. Lagi ko ngang sinasabi “Rock and roll lamang ang buhay kaya G lang palagi”
FTV: Kung hihingian ka ng mensahe para sa mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo, anong maaari mong sabihin?
AOS: Mahalin ang kanilang trabaho ngunit huwag kakalimutan ang kanilang pamilya.
FTV: May iba ka pang gustong idagdag na mensahe (could be about anything):
AOS: Ugaliing tumawa, ngumiti at humalakhak araw-araw. Magmahal at magpatawad, huwag magtanim ng sama ng loob. Mahalin ang pamilya.