Ardien Aspan

(Painter | Bacolod City, Philippines)

Medium: Oil Style: Realism

FTV: Gaano ka tagal ka nang nagpipinta?

AA: High school ako nag start mag aral nang painting, self study po.

FTV: Napansin ko marami sa art mo ang painting ng isda. Bakit yun ang pinili mong subject?

AA: Gusto ko ang isda na subject kase para sa akin sumisimbolo s’ya ng kasaganahan. Tapos yung mga dried fish ko na painting na nasa plastic, patunay ng pagka Pinoy ko. Alam mo na agad kung anong culture yun. Mahal ko ang kulturang Pilipino.

“Ang isda ay sumisimbolo ng kasaganaan”

FTV: Paano mo nagagawang realistic or 3D yung mga drawing mo?

AA: Dapat po alam mo light to dark na process, and yung shadow ng mga subject mo. dapat naka-focus ka doon.

FTV: Ano ang storya sa likod ng pag pinta mo? Paano ka nagsimula?

AA: Nung highschool ako, yung teacher ko sa MAPEH (Music, Arts, Physical Education and Health) na si Sir Jun Flores, s’ya ang nag introduce sa akin ng pag pinta. Tapos, nasiyahan ako at na-amaze sa mga nakikita kong mga painting online, kaya nag pursigi ako na matuto. Sumasali ako sa mga barangay competition para magkaroon ako ng experience, then gumagawa ako ng mga commission pieces pag may mga kliyente. Pero noong pandemic talaga ako naka focus sa painting. Hindi ako nakapag trabaho sa mga mall noon. Nag fulltime artist na lang ako.

Ang mga painting ko ay palaging may tatak ng pagka Pilipino

FTV: Sino o ano ang naging inspirasyon mo?

AA: Una nag papasalamat ako kay Lord sa binigay n’ya na talent sa akin. At marami akong naging inspiration. Kasama na dun sina Nestor Abayon at Emil Espiritu. Sila ang mga gusto kong tularan. Nais kong balang araw, ay maging kasing husay nila

FTV: May mga naging balakid ba sa pag pinta mo?

AA: Numero unong problem ng mga artist materyales. Ako, nag invest ako sa mga materials tuwing may commission work ako. Wala namang gaanong balakid basta pursigido ka na matutong mag pinta .

“Huwag huminto sa pag pinta kung napapagod o nawawalan ng pag- asa. Mag pahinga ka lang peru tuloy mo lagi ang passion mo.”

FTV: Anong pinaka mahirap na pinagdaanan mo sa pagpipinta?

AA: Yung wala kang pambili ng mga art materials mo, na kahit gustong gusto mong gumawa, at bilhin pero wala kang pambili kasi mahal.

Isa lang akong mahirap na artist. High school graduate lang ako. Sa hirap ng buhay, inuna kong mag trabaho kaysa mag-aral sana ng kolehiyo. Wala naman akong magawa kasi mahirap lang kami. Pero patuloy lang, dahil hanggang may buhay, may pag-asa. May panggarap akong kailangang matupad, kaya hindi ako susuko.

“May panggarap akong kailangang matupad, kaya hindi ako susuko.”

FTV: Ano ang pangarap mo sa mga paintings mo?

AA: Pangarap kong makilala ang mga obra ko at magkaroon nang sariling art studio someday

FTV: Anong mensahe mo sa ibang pintor, o yung mga gustong mag pintor:

AA: Huwag huminto sa pag pinta kung napapagod o nawawalan ng pag- asa. Mag pahinga ka lang pero ituloy mo lang lagi ang passion mo. May progreso pag hindi ka sumuko .

Artist at work

FTV: Mayroon ka pa bang maaring ibahagi sa amin na sa tingin mo ay may matututunan ang mga kapwa mo Pilipino?

AA: Tangkilikin natin ang sariling atin. Ang mga gawa kong painting ay palaging may tatak ng pagka Pilipino, kasi mahal ko ang kulturang Pinoy.

If you know anyone like Ardien who we can feature in FTV Likha, email us at: info@myfilipinotv.com.