Aron Tolentino – Audioman | Studio Technician

34yo. Santa Rosa, Laguna, Philippines

FTV: Gaano katagal ka nang audioman at studio technician?

A: 11 years

FTV: Anong aspeto ng trabaho mo ang pinakagusto mo?  

A: Maraming aspeto ng aking trabaho ang nais ko. Isa dito ay yung makakakilala ka ng iba’t ibang klase ng tao. Pakikisama at pakikisalamuha sa iba’t ibang indibidwal. Isa pa, since ako’y mahilig sa musika, nag eenjoy din ako mag set up ng mga gamit ng guest na musician at i-manage ang kanilang tunog. Bukod dun, mag-handle din ng mga mabibigat na programa sa radyo at maging parte ng kanilang tunog.

FTV: Bakit?

A: Nakakaramdam ako ng kasiyahan kapag napapagtagumpayan ko ang mga task na ibinibigay sa akin. Nakakatuwa din kapag naaalpasan ko ang mga challenges na nakapaloob sa mga programa..

FTV: Anong prinsipyo mo sa trabaho?

A: Tingnan lahat ng task na isang challenge para lalong mai-mprove ang sarili sa lahat ng aspeto.

FTV: Paano mo hinaharap ang mga stressful na sitwasyon sa trabaho at sa buhay?

A: Lahat ng tao dumadaan sa problema o bigat sa buhay. Sa akin, gaya ng prinsipyo ko sa trabaho, tinitignan ko din ang mga problema at mabibigat na sitwasyon na isang challenge para iimprove ang sarili sa lahat ng aspeto. Naniniwala din kasi ako na ang lahat ng problema may solusyon, gaya ng sisilip din ang bahaghari matapos ang ulan.

FTV: Anong gusto mong matandaan ng mga tao tungkol sayo o papano mo gustong makilala?

A: Simple lang naman, isang mabuting ama sa aking mga anak, isang mapagmahal na asawa, mabuting anak at maaasahang kaibigan.

FTV: Anong pinaka malaking challenge ang pinagdaanan mo sa buhay?

A: Siguro nung mga panahong nagaaral pa ako sa kolehiyo. Gaya ng ibang kabataan, medyo kapos kami sa pinansyal nuon kaya medyo hirap talaga.

FTV: Anong natutunan mo from it? Na lahat ng problema o pagsubok ay may solusyon.

A: Asa tao na kung papaanung paraan ang gagawin para maalpasan ang mga binabato ng mundo sayo.

FTV: Kung hihingian ka ng mensahe para sa mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo, anong maaari mong sabihin?

A: Bigay mo lang lagi ang best mo sa lahat ng bagay.. Tandaan na “there will never be another now, so make the most of today” haha. Tama ba? And lahat tayo dumadaan sa pagsubok, wag sumuko at parating magpatuloy.. Tandaan na “there’s a rainbow always after the rain”. Always be proud na Pilipino ka.. Kasi “iba ang Pinoy”!

FTV: Any other thing you want to say or add?

A: Salamat po sa oportunidad na ito para ibahagi ang ilang mga bagay sa aking buhay. Enjoy lang sa buhay. Ngiti at laging magpasalamat sa Panginoon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *