Emerlito L. Salenga

(Painter | 51yo | Navotas city)

“Batang Pilipina”

FTV:  How long have you been working as a graphics artist?

ELS:  12 years

FTV:  What do you like about your job? 

ELS:  Marami akong natutunang mga bagong ideas, pati sa mga gadgets. And mababait mga boss ko pati mga officemates.

“Trios”

FTV:  Anong kaibahan ng trabaho mo sa pag pinta?

ELS:  Nasa advertising pa rin naman po ako at graphic designer.  Pero iba parin ang heart or feeling ko pag nagp-paint – parang ang saya saya.  Parang may nahugot sa kalooban mo na nagpapagaan at nagpapasaya

“Mother and Child”

“… iba ang feeling ko pag nagp-paint – parang ang saya saya.  Parang may nahugot sa kalooban mo na nagpapagaan at nagpapasaya.”

FTV:  Do you dream of being a full time painter? 

ELS:  YES!  Kaya lang kung magugutom naman kami sa dream ko, baka isa isantabi kona muna. Kaya nga nung nagka pandemic, mukhang blessing pa sa akin yung pang yayari, kasi naka balik ako sa pag pipinta.  Medyo marami na kasi akong oras, na alala ko sabi ng wifey ko nuon habang nagiisip ako kung ano ipe-paint ko: “Merj, bakit di mo i portrait lahat ng kapatid mo? Wala ka pa kasing ginagawang portrait nila?” Naisip ko, oo nga ano! kaya ayun nagpractice ulit ako start sa portrait ng mga kapatid ko (in watercolor) at asawa nila bago nagpaint sa canvas (acrylic).

FTV:  Anong materials na gamit mo? 

ELS:  Oil, acrylic, watercolor, charcoal etc.

FTV:  How long have you been into painting? 

ELS:  Since college pa po, sumasali ako sa mga exhibit sa school.  May mga pa-contest din naman na pinapalad manalo.  Pero nag stop ako nung nag work na.  Medyo late bloomer kasi ako nagbalik nalang ako nung nagka pandemic, then nagtuloy tuloy na.

FTV:  Anong pinag pilian mong propesyon? 

ELS:  BA for sana for business. E, sabi ng ate ko na nagpaaral sa akin, “Di ba mahilig ka magdrawing ba’t dika mag Fine Arts!” kaya ayun!  Tuwang tuwa ako kasi ok lang pala sa kanya kahit alam nya wala ako masyado kikitain sa pag d-drawing ko.

“Crying Sisters”

FTV:  Sister mo ang nagpa-aral sa’yo?

ELS:  Marami sila, una si Ate – kinupkop kasi nila ako marami kasi kami magkakapatid, then when she passed away, itinuloy ng brother in law ko – I call him DADDY  yung pagpapa-aral sa akin, then sila nanay kahit papaano nagbibigay sa akin.  Malaking tulong din yung pagsali ko sa mga competition.  Kahit papano nakakakuha ako ng cash prize pandagdag sa gastusin.  Mahal kasi mga gamit sa school tapos may mga nagpapa portrait sa akin yung iba nagbabayad, yung iba mga gamit ang binibigay hehehe

Self-portrait

“Malaking tulong din yung pagsali ko sa mga competition.  Kahit papano nakakakuha ako ng cash prize pandagdag sa gastusin.”

FTV:  Ano ang nag inspire sayo maging pintor? 

ELS:  I think yung mga pangyayari sa sarili ko then yung mga tao sa paligid ko na ang dami daming istorya

FTV:  Sinong tinitingala mo na mga artist? 

ELS:  Sa local gusto ko si Manasala at Ang Kiukok

“Alone”

FTV:  Ano pang nais mong ma achieve bilang artist? 

ELS:  Gusto ko lang mailabas yung feelings ko sa pagpipinta

FTV:  How do you wish your art to be perceived or viewed? 

ELS:  Sad but Happy, Ugly but Beauty, Hate but Love

“Cage”

Gusto ko lang mailabas yung feelings ko sa pagpipinta.”

FTV:  How is the life of being a visual artist/ illustrator in the PH? 

ELS:  Masarap na mahirap hehe

FTV:  How does art make you feel? 

ELS:  Happy and Satisfied

“Sad but Happy, Ugly but Beauty, Hate but Love”

FTV:  What for you is an artist? 

ELS:  A God given talent

FTV:  What for you is the essence of painting? 

ELS:  To help and inspire the viewer

The artist, Elmer Ssalenga, at work

FTV:  Do you mind sharing a little bit more of your story?  

ELS:  Bago mag-pandemic may Christian Foundation ako na sinamahan dito sa Navotas.  Niyaya ako ni misis.  Nag fe-feed at nagba-bible story si wifey sa mga kabataan dito sa Tangos I (rural area). Nahinto nga lang nung nagka pandemic.  I miss those kids.  Siguro ang lalaki na nila, kaya sabi ko sa sarili ko everytime na makakabenta ako ng paintings ko, may part kayo sa akin.

If God gave you talent use it! At kung pagpalain ka, tulungan mo ang mga nangangailangan.”

FTV:  Message to Filipinos around the world if any? 

ELS:  If God gave you talent use it! At kung pagpalain ka, tulungan mo ang mga nangangailangan